Nagmamaganda

[ 2 Komento ] Pumutak si Miko Reznor noong 07.30.2006 12:32 NU

Bago ang aking putak, gusto ko lang sabihin na ang sayang magpa foot spa. Hehe. Parang gusto ko nang bumili ng foot file (di ko alam ang tamang termino pero para syang higanteng nail file) para makudkod ko ang makakapal na bahagi ng balat sa aking paa. Magpatuloy na tayo sa aking komentaryo...

Hindi ba kayo nakakahalata na ang daming taong nagmamaganda sa tabi-tabi ng internet? Reklamo sila ng reklamo na ang daming hindi sumusunod sa kanilang mga "Terms of Use" at naglalagay pa sila ng mga "Black List" at kung ano ano pang masasamang sinasabi sa mga nagkasala sa kanila. Pero kung sila naman, hirap ding sumunod sa "Terms" ng ibang web site.

Katulad na lang ng Extreme Tracking. Ito ang nakalagay sa kanilang "Terms and Conditions":

The Tracker-code has to be copied into the source of your page INTEGRALLY AND WITHOUT ANY CHANGES. Only then the tracking will be accurate. If you change the code eXTReMe digital shall have the right to suspend services. The button connected to the code must be placed in a VISIBLE way on your page and in the size as exposed below.

[Ilagay ang 41x38 pixels na logo ng Extreme Tracking dito.]

Malinaw na malinaw, hindi ba? Pero ang dami mong nakikitang web site na gumagamit ng serbisyo nila na ginagawang text link, iniiba ang litrato ng logo, pinapaliit ng 1x1 pixel ang logo, at iba pang hindi sang-ayon sa "Conditions" ng Extreme Tracking.

Mga hipokrito! Ang payo ko lang sa inyo, let he who has no sin cast the first stone. Mag-inarte lang kayo na maraming lumalabag sa inyong TOU pag kayo ay magaling din sumunod sa TOU ng iba. Tama lang iyon diba?



Nagpapalipas

[ 0 Komento ] Pumutak si Miko Reznor noong 05.27.2006 8:10 NH

Hay, nako. Sa totoo lang, nagpapalipas lang ako ng panahon. Meron kasing nagpapagawa sa akin ng disenyo para sa kanyang web site. Kaninang madaling araw ko lang natanggap ang mga litrato na gusto niyang gamitin ko dito pero tinatamad at hindi ako inspirado kay a puputak muna ako.

Nahahalata ko lang na napakaraming malalaswang tao sa mundo ngayon. Paano ko ito nasabi? Base ito sa mga bisita ng Putak. Alam nyo bang ang madalas na nakikita kong keywords para makapunta sila dito ay:

lalakeng sexy
mga larawan hubad ng babae
hubad blog
mga larawan ng hubad na lalake
pilipino porn site
mga hubad na babae sa internet
larawan ng hubad na filipina
hubad na larawan
katulong ko sexy
babae hubad
Bawal Na Ka Hubad
lalakeng hubad
bold na babae
filipina hubad na larawan
mga sexy na larawan
mga artistang sexy

At ang nakakatuwa pa rito, halos palaging nasa unang pahina ng Google ang Putak kung yung mga keywords na iyon ang gagamitin. Siguro dahil kaunti lang ang mga web site na salin sa wikang Tagalog at nababanggit din sa Putak ang mga salitang iyon.

Yung ikatlong nilista ko ang pinaka nakakatawa e. "Hubad blog"?!? Ano namang klaseng blog iyon? Blog na tungkol sa mga hubad? Hubad siya habang nagboblog? Ipaliwanag nyo nga sa akin. At ano naman kaya ang hinahanap ng taong nag-type ng "katulong ko sexy" sa Google. Pati ba naman mga katulong pagsasamantalahan?

Gusto ko lang linawin uli sa inyong lahat: wala akong balak maglagay ng mga hubo o hubad na larawan dito. Kung meron mang larawan na makikita dito na may sexy at artistahing babae at matipunong lalake, ito na iyon....

Itutuloy ang "Nagpapalipas"...



Lagas

[ 1 Komento ] Pumutak si Miko Reznor noong 05.23.2006 12:14 NU

Dahil mage-expire na ang Self-Destruct.NET sa ika-28 ng Mayo ngayong taon, naisipan kong gawin ito ang ipalit doon. Kaya asahan nyong may mga isusulat ako ditong Ingles. Pasensya na dahil minsan ay nahihirapan akong magsulat sa wikang Tagalog.

Nahahalata nyo bang unti-unti nang nanlalagas ang mga graphics site ngayon? Inumpisahan ito ng Akutenshi (sans-amour.net) noong ika-17 ng Mayo taong 2006. Ito ang nakalagay sa kanilang web site:

[i]REBELLION! HAHA!

If you're reading this, you're probably wondering why all of us are on strike. So why?

Simple. We are sick of all the crap. We are sick of being unappreciated, sick of having our stuff stolen, sick of having our styles being whored to hell and back and getting it thrown in our faces, sick of certain people telling us what to and what not to do when they have no clue what the hell's going on, and sick of not getting the respect we deserve.

So, obviously, since we are so unuseful to the web, only a nuisance that can be dealt with, we are kindly helping you do the job by removing ourselves from the face of existence. How do you like it now when we're not there for you to freely abuse?

An apology to everyone this inconveniences that doesn't do any of the above--you are far and few in between, and you are the reason why we have these sites in the first place. But a statement needs to be made.

So when will we be back? Will we be back at all? That's for us to know and you to find out.

No love,
Abused webmistresses of graphics sites

[edit] We do not claim that we are trying to end anything. Not the stealing, not the copying, not anything you say we're trying to stop. But this strike is about having a voice, the right to have an opinion, and the discontent that our opinion isn't respected. We're not trying to change anyone's minds; we are just expressing our own.[/i]

Sa paglabas nito, marami na ring mga web site ang sumunod kagaya ng...

Itutuloy ang "Lagas"...



Putak Sa Kategoriyang Opinyon

« Bumalik | 1 | 2 | 3 | Nakaraan »