Operasyon Nanaman
[ 1 Komento ] Pumutak si Miko Reznor noong 01.30.2009 1:37 NU
Haaay... Wala ka talagang laban sa iyong genes. Sinisisi ko si Mudra... 
Sa ibang balita, dahil wala akong magawa kagabi, napadpad ako sa Cinema One at pinapalabas ang pelikulang Ngayong Nandito Ka starring Kristine Hermosa, Jericho Rosales at Onemig Bondoc.
Hindi ko sya naumpisahan pero naabutan ko yung eksenang nago-golf sila at ang masasabi ko lang, yaaakk!!!
Halatang halatang walang alam sa golf ang direktor/producer/writer/atbp ng pelikulang ito.
Hwag na nating pag-usapan ang kahindik-hindik na porma ng swing ni Kristine Hermosa habang nagkukunwari syang marunong maglaro. Alam naman nating artista sya at hindi golfer.
Pero hindi ba nila alam na it's considered bad taste na makipagchismisan habang magsu-swing ang manlalaro ng golf? Kahit gaano pa sila ka-close, bawal magsalita habang nagsu-swing.
Nakakasira ito ng konsentrasyon at baka pumangit ang kanyang laro kagaya nga ng nangyari kay Kristine Hermosa sa pelikula. Naitapon ata nya ang kanyang club at engot na lang ang gagawa non. Mas kapani-paniwala pa siguro kung lupa ang natamaan nya at hindi ang bola. Hmph! 
Isa pa, 15 minuto lang madalas ang alloted time per flight per hole kaya kung gusto nila magkwentuhan, don na lang habang naglalakad sila papunta sa kanilang bola.
Eto pa, hindi sa itim nagti-tee-off ang mga babae. Saglit lang pinalabas pero kitang kita ko na sa itim na bahagi si Kristine Hermosa nag tee-off. Sa lalake lang iyon. Iba ang tee-off ng mga babae. Para sa inyong kaalaman, ang panlalake na tee-off ay itim at asul. Sa babae, pula o puti. Ok?
Yun lang naman. Magandang umaga sa inyong lahat!
At bigla kong naalala, noong taong 2003 na lumabas ang pelikulang ito, dun din ako unang inoperahan... Dundundunduuunn... 
Drama Nanaman Ito
[ 0 Komento ] Pumutak si Miko Reznor noong 11.27.2007 1:20 NH
Korak. Drama nanaman...
Asan ang writer koh?!? Pano ko matatapos yung site na ito sa Biyernes kung wala iyon?!?
Bwiset na baklang 'yon na nasa David's. Ginupitan ako, mukha namang "mansanas" ayon sa aking boss na si Miguel Cuneta. Huhuhu... Ayaw ko na ng buhok ko nung high school!!!
Tinopak ang lola nyo at bumili ng sangkatutak (pito lang naman) na DVD sa Astrovision nung Linggo. Wala na akong pera. Wala na akong pera. Wala na akong perah!!! At ang tagal pa ng sweldo...
Bigla kong naalala... Nagsara na pala ang Datablitz ng SM Southmall. So dadayo pa kame sa Alabang Town Center o Festival Mall para makabili ng games?!?
Si Mudra naka confine sa hospital (kahapon pa sa isang big private room ng St. Luke's) at kailangang operahan. Sana hindi cancer.
Naalala ko tuloy yung nangyari sa akin nung ika-8 ng Agosto 2003. *Hitit ng hangin* Huhuhu... 
Lumindol kaninang tanghali. Buti na lang mahal ako ni Pudra at insured ang lola nyo.
Meron bang PMS? Post menstrual syndrome?
Magmumukmok muna ako... 
Alexa Rank: 139047.
Kabuwanan Kuno
[ 0 Komento ] Pumutak si Miko Reznor noong 10.24.2007 1:58 NH
May bisita, mens, meron, ganun na yun. Grabeh! Siguro nga dahil dito kaya naging emosyonal ako noong mga nakaraang araw at kahit ngayon. Kagaya na lang ng pangyayaring ito...
Paulo: Nag gym ka pa rin ba?
Ako: Baket? Hindi ba halata?!?
Paulo: Huh? Hindi naman kasi kita madalas makita...[May sinabi pa ata sya pagkatapos non pero 'di ko na maalala]
Huhuhu... Sobrang sama ng loob ko nung narinig ko iyon. Pero syempre hindi ko masyadong pinahalata noh. Mukha na ba akong mataba at naitanong mo iyon sa akin?!? 
Ito pa ang isa, nag login ako sa aking Friendster account at nakita kong viniew ni Booba ang aking profile. Di ko maipaliwanag ng Tagalog ang aking naramdaman! I was so offended!!!
Hay nako. Sana naman lumipas na ito. Ang mga bagay na kadalasan ay hindi ko pinapansin ay nakakaapekto na sa akin... At, ang sakit ng puson ko... 
Sya nga pala, binabati ko si James Esguerra. Magandang araw sa iyo!
Alexa Rank: 130925.
Putak Sa Kategoriyang Hinagpis
1 | 2 | Nakaraan »